Thursday, December 23, 2010

Talumpating nanghihikayat ng tao

Mga kagalang-galang na opisyal, mga giliw kong tagapakinig at ilang taong naririto, isang magandang araw po sa inyong lahat.

Isang karangalan para sa akin ang pagpaunlakan ninyo ako, bilang Direktor ng A.T.C, International Association in Tea and Coffee Industry, upang mailunsad at ipakita sa publiko ang isa sa pinakabago naming produkto.

Ano nga ba ang tsaa?..Ang tsaa ay isang uri ng inuming maaaring magpaginhawa ng ating pakiramdam. Sa pag-inom ng tsaa nababawasan ang pangamba natin ng cancer dahil sa anti-oxidant na merong ito. Ang anti-oxidant na ito ay nakakatulong upang mapabagal ang pagtugbo ng ugat ng cancer. Maaring makatulong rin ito sa paglaban natin sa nakakapahamak na liwanag na galing sa araw o ang itinuturing natin na UV rays. Sa panahon ngayon, naoobserbahan natin ang pagbabago sa bawat araw. Kasabay nun ay ang pagkalat ng maraming sakit dahil sa mahinang proteksyon ng ating katawan.

Ang tsaa ay isa rin sa mga herbal products na maituturing natin. Sa bawat ratsada na nagyayari sa bawat oras, marami-rami sa atin ang napapagod o puyat sa pagtatrabaho. Isa sa mga pinaka-mainam na solusyon dito ay ang pag-inom ng tsaa. Dagdag pa dito, ito ay may kakayahang mapabilis ang ating pagdumi. Gaya mg fibers na makukuha natin sa mga gulay, kaya nitong alisin ang ilang kemikal na napaploob sa ating mga bituka na siyang maaring magdulot ng sakit sa atin.

Sa panahon ngayon, marami nang sakit ang nagkalat, maraming namamatay sa bawat segundo hindi dahil sa mga kaguluhan kundi dahil sa walang lunas na sakit. Ayon sa aming pagsasaliksik na nakalap, sa sampung taong aming kinuhanan ng aming test ay sa apat na taong umiinom ng tsaa ay napag-alaman naming malakas ang kanyang immune system laban sa mga sakit hindi gaya ng anim na natitira na hindi umiinom ng tsaa. Ang anim na taong iyon ay hindi nakaligtas sa sakit. At mula dito napatunayan namin na ang tsaa ay katangi-tangi ngang talaga. Pinapalakas nito ang ating resistensya laban sa mga microbyo at bakteryang maaaring magdulot ng sakit sa atin.

Aking hinihikayat ang lahat na sana’y tangkilikin itong produktong ito dahil batid ko ang kaseguraduhan at proteksyon para sa inyo. Muli ako’y nagpapasalamat sa inyong pakikinig, at pagdalo.

Maraming salamat po.


++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ito ay ang talumpating aking inihayag sa loob ng klase..


1 comment:

  1. Hello. Ask ko lang po kung sino gumawa ng speech ..? Tnx ..

    ReplyDelete